Tinglayan, Kalinga – Nakumpiska ng mga pulisya ng Kalinga ang isang milyong halaga ng marijuana at mga armas noong nakaraang Lunes, Pebrero 28, 2022.
Ayon kay Police Colonel Peter Tagtag Jr, Acting Provincial Director ng Kalinga Provincial Police Office, naaresto rin ang tatlong suspek na tumangkang tumakas sa Oplan Herodotus 2 o Marijuana Eradication sa Mt. Bitullayungan, Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga.
Kinilala ni Police Colonel Tagtag, Jr., ang tatlong suspek na sina Peter Bagtang, 22; Langao Bagtang, 70 at isang menor de edad na aktuwal na nahuling nag-aani ng mga halaman ng marijuana at may dala-dalang mga baril.
Ayon pa kay Police Colonel Tagtag, nakumpiska sa 500 kuwadrado na lupain ang 5,000 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng isang milyon.
Nakumpiska pa sa mga suspek ang isang Cal. 22 SLQRLR na may 12 na bala at hindi mabasa na serial number, isang 9mm PT2417 Taurus na may serial number na TDY91625, dalawang magazines na may 21 na bala at isang 12-gauge ARMSCOR shot gun na may apat na bala at hindi mabasa na serial number.
Naging matagumpay ang nasabing eradication sa tulong ng Regional Intelligence Division, 1503rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 15, PNP-Special Action Force, Philippine Drug Enforcement Agency-Kalinga at 50th Infantry Battalion-Philippine Army.
Patuloy na paiigtingin ng mga pulisya ng Kalinga ang kampanya laban sa ilegal na droga para lipulin ang mga tanim na marijuana sa lalawigan.
SOURCE:
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1688822168127491&id=100009991715687
###
Panulat ni PSSg Amyl Cacliong, RPCADU COR
Tagumpay salamat s mga kapulisan