Zamboanga City – Tinatayang nasa Php1,080,000 halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat sa isinagawang Anti-Smuggling Operation ng Zamboanga PNP sa Caragasan Seashore, Brgy. Maasin, Zamboanga City nito lamang Miyerkules, Setyembre 21, 2022.
Ayon kay Police Brigadier General Neil Alinsangan, Regional Director ng Police Regional Office 9, bandang 5:00 ng umaga nang isinagawa ang operasyon sa isang abandonadong bahay malapit sa dalampasigan ng Caragasan, Brgy. Maasin, Zamboanga City ng mga operatiba ng Zamboanga City Police Office-Station 8, Philippine Center on Transnational Crime at Intel Operatives ng Zamboanga City Police Office.
Nasabat ang 15 boxes cigarette “Gift”, walong boxes ng Champion Cool Blast, limang boxes ng Champion Black Menthol at dalawang boxes ng New Orleans na may tinatayang halaga na Php1,080,000.
Ang pagpapaigting na kampanya laban sa mga smuggled cigarettes ay kaugnay sa CPNP’s Peace and Security Framework na Malasakit + Kaayusan+ Kapayapaan= Kaunlaran at KASIMBAYANAN.
Samantala, patuloy ang pagpapaigting ng kampanya laban sa smuggled cigarettes ng Zamboanga City PNP upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng kanilang nasasakupan.
Source: Zamboanga City Police Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville Ortiz