Nasakote ang dalawang indibidwal nang mahuli sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Boundary Control Point, Purok 1 Barangay Anonang, Aurora, Zamboanga Del Sur nito lamang Hulyo 28, 2024.
Ayon kay Police Brigadier General Bowenn Joey M Masauding, Regional Director ng Police Regional Office 9, bandang 8:00 ng umaga nang mahuli sa isinigawang checkpoint ang dalawang suspek na lulan ng isang unit ng Isuzu L300 na biyahe galing Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte papuntang Pagadian City.
Nasabat ang 300 reams ng Astro Red, 300 reams Champion at 298 reams ng New Berlin Red na may total na 898 reams na nagkakahalaga ng Php1,029,108.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 1401 (Unlawful Importation or Exportation) ng Republic Act 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Naging matagumpay ang operasyon sa pagsisikap ng mga tauhan ng 902nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 9, Aurora Municipal Police Station, Regional Intelligence Division 9, 1ST Zamboanga del Sur Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit at Bureau of Customs.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan ay hindi nagpapabaya sa sinumpaang tungkulin na hulihin ang mga taong tiwalag sa batas, mapanatiling ligtas ang komunidad, at ipatupad ang kapayapaan ng bansa para sa umuunlad na bagong Pilipinas.