Zamboanga del Sur – Tinatayang Php1,020,000 halaga ng shabu ang nasamsam na shabu sa dalawang nadakip na suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Zamboanga del Sur Provincial Intelligence Unit at PDEA IX sa Diablo St. Brgy. Santiago Pagadian, Zamboanga Del Sur bandang 11:50 ng umaga nito lamang Nobyembre 29, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Diomarie Albarico, Provincial Director ng Zamboanga del Sur Police Provincial Office, ang dalawang suspek na sina alyas “Maniho”, 48, construction worker at residente ng Pasay City, Metro Manila at alyas “Marites”, 39, isang OFW at residente ng Dumalinao, Zamboanga del Sur.
Nakumpiska sa dalawang suspek ang tatlong pirasong transparent plastic sachets na tumitimbang ng 150 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php1,020.000 at buy-bust money at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Zamboanga del Sur PNP ay patuloy na paiigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga at kriminalidad para sa mas mapayapa at ligtas na komunidad.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong