Monday, November 25, 2024

Php1M halaga ng shabu, nasabat sa Checkpoint ng Babatngon PNP; High Value at Street Level Individual, arestado

Leyte – Tinatayang nasa Php1,050,000 halaga ng shabu ang nasabat sa isang High Value Individual at isa pang Street Level Individual sa isinagawang checkpoint ng Babatngon Municipal Police Station sa National Highway ng Brgy. District III, Babatngon, Leyte nitong Huwebes, Oktubre 27, 2022.

Kinilala ni Police Lieutenant Jose Bayona, Office-In-Charge ng Babatngon MPS, ang mga naaresto na sina alyas “Nante”, 53, High Value Individual at alyas “Mario”, 49, Street Level Individual at pawang mga residente ng Carigara, Leyte.

Ayon kay PLt Bayona, naaresto ang mga suspek bandang 12:30 ng tanghali habang nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng Babatngon MPS sa pangunguna ni Police Lieutenant Rommel Copino, Deputy COP at sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency 8.

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong malalaking sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng 150 grams at may estimated market value na Php1,050,000.

Ang mga naaresto ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sec 5 at 11 ng Art II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Tinitiyak ni PLt Bayona sa publiko na ang PNP ay walang tigil sa pagsisikap na panatilihin ang kaayusan sa komunidad at mapuksa ang paglaganap ng ipinagbabawal na droga sa rehiyon.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles