Nasabat ang tinatayang Php1,020,000 halaga ng shabu at arestado naman ang dalawang lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Marawi Poblacion, Marawi City, Lanao del Sur nito lamang ika-7 ng Setyembre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Gieson M Baniaga, Chief of Police ng Marawi City Police Station, ang mga suspek na sina alyas “Yusoph”, 35 anyos, at alyas “Norhalin”, 26 anyos, na kapwa residente ng Marawi City, Lanao del Sur at patuloy naman ang isinasagawang operasyon para tugisin ang dalawa pang kasamahan na nakatakas.
Naging matagumpay ang pagkakaaresto sa mga suspek sa ikinasang buy-bust operasyon ng mga pinagsanib na pwersa ng Marawi City Police Station katuwang ang 1st Provincial Mobile Force Company – LDSPPO, 1402nd at 1403rd Regional Mobile Force Battalion 14, Regional Drug Enforcement Unit PRO BAR, Provincial Intelligence Unit – LDSPPO, at Task Force Marawi City Philippine Army.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang transparent plastic bag na pinaghihinalaang shabu na may timbang na 150 na gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php1,020,000, isang Php1,000 bill na nakapatong sa 224 na Php1,000 boodle money bilang buy-bust money, isang adeflo soap pack, at isang J&T parcel.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang mga suspek.
Patuloy ang Lanao del Sur PNP sa mas lalong pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora J Agbuya