Quezon – Tinatayang Php1,020,000 na halaga ng shabu ang nasabat sa live-in partners sa buy-bust operation ng Quezon PNP at PDEA 4A sa Purok Damayan 1, Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City nito lamang Huwebes, Enero 12, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Ledon Monte, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office, ang dalawang suspek na sina alyas “Leira/Laura”, High Value Individual, 42 at alyas “Eric”, 47, residente ng naturang lugar.
Ayon kay PCol Monte, bandang 5:00 ng hapon naaresto ang dalawang suspek ng mga puwersa ng Intel/Special Drug Enforcement Unit ng Lucena City Police Station, Philippine Drug Enforcement Agency-4A Quezon, Quezon Provincial Drug Enforcement Unit, Quezon Maritime Police Station, Criminal Investigation and Detention Group – Quezon and Regional Intelligence Unit – Quezon.
Narekober sa dalawang suspek ang 14 pirasong heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 50 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php1,020,000, dalawang coin-purse, apat na pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang boodle money at isang pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 5 and 11, Art ll of RA 9165 laban sa suspek #1 at Violation of Sec. 5, Art ll ng Republic Act A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang tagumpay ng Quezon PNP laban sa pagsugpo ng ilegal na droga ay bunga ng pinaigting na suporta at pakikipagtulungan ng mamamayan upang mapanatili na ligtas at maayos ang komunidad.
Panulat ni PEMS Joe Peter Cabugon/RPCADU 4A