Laguna – Tinatayang Php1,072,500 na halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang suspek kabilang ang isang High Value Individual sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng BiƱan City Police Station Drug Enforcement Unit sa Brgy. Malaban, BiƱan City, Laguna bandang 10:00 ng gabi nito lamang Huwebes, Enero 12, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn Silvio, Acting Provincial Director, Laguna Police Provincial Office, ang dalawang suspek na sina alyas “Beverly”, HVI, 40, miyembro ng Kino Drug Group, residente ng Zone 6, Borja Street, Brgy. Malaban, Binan City, Laguna at alyas “Reynaldo”, 37, residente ng St. Francis 7, Brgy. San Antonio, BiƱan City, Laguna.
Nakumpiska sa dalawang suspek ang 26 na piraso ng heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 165 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php1,072,500, isang pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money, 10 pirasong Php1,000 bill na ābudolā money, dalawang coin purse, at Php1,150 hinihinalang drug money.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa section 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
āSa pagkahuli ng mga suspek na ito, gusto kong ipaabot sa mga kababayan natin na walang puwang dito sa buong Lalawigan ng Laguna ang mga drug pusher katulad nito at makakaasa po kayo na hindi namin ititigil ang aming mga operasyon kontra ilegal na droga at maging sa mga iba pang ilegal na gawain upang matiyak natin ang kaayusan, katahimikan at seguridad ng ating mga mamamayanā, ani PCol Silvio.
Panulat ni PEMS Joe Peter Cabugon/RPCADU4A