Tuesday, January 21, 2025

Php1M halaga ng shabu, nakumpiska ng Bukidnon PNP

Nasabat ang mahigit Php1 milyong halaga ng ilegal na droga mula sa isang babae na tinaguriang High Value Individual sa isinagawang joint buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Cabangahan, Malaybalay City, Bukidnon nito lamang Enero 19, 2025.

Kinilala ni Police Colonel Jovit L Culaway, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Manang”, 40 anyos, residente ng Kalilangan, Bukidnon.

Sa ikinasang joint buy-bust operation ng mga operatiba ng Malaybalay City Police Station – Drug Enforcement Unit katuwang ang Bukidnon Provincial Intelligence Unit at PDEA 10 ay matagumpay na naaresto ang suspek.

Nakumpiska sa operasyon ang apat na mga pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na nasa 150.30 na gramo na may Standard Drug Price na Php1,020,000; isang sling bag; isang pitaka at dalawang pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

“I Commend the operating units for your immense efforts to apprehend a High Value Individual (HVI). Your hard work and dedication have made a significant impact on our continued battle to fight against illegal drugs. This operation reflects your commitment on upholding peace and order in the province,” saad ni PCol Culaway.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles