Navotas City – Tinatayang higit isang milyong halaga ng shabu at granada ang nakumpiska sa dalawang suspek sa buy-bust operation ng Navotas City Police Station nitong Martes, Mayo 3, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Ulysses Cruz, District Director ng Northern Police District ang mga suspek na sina Mark Joseph Nicandro y Manuel alyas “Mak-mak”, 34, at Jomar Jayona y Malaputi alyas “Jomar”, 24, pawang mga residente ng Lungsod ng Navotas.
Ayon kay PBGen Cruz, bandang 1:25 ng madaling araw naaresto ang mga suspek sa kahabaan ng Ignacio St., Barangay Daanghari, Navotas City ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Navotas CPS.
Ayon pa kay PBGen Cruz, narekober sa mga suspek ang limang maliit na heat-sealed transparent plastic sachet at tatlong re-sealable plastic bag na parehong naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na 160 gramo at nagkakahalaga ng Php1,088,000, isang black sling bag, isang maliit na berdeng notebook, isang ZH&, K Cellphone color black, isang maliit na weighing scale, isang gunting, isang MK2 HE Grenade, isang genuine na Php1,000, pitong Php1,000 boodle money na ginamit bilang buy-bust money, at isang libong piso sa iba’t ibang denominasyon.
Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 9516 o Illegal/Unlawful Possession of Explosive kaugnay ng Omnibus Election Code.
Tiniyak ni PBGen Cruz na hindi titigil ang NPD sa pagsugpo sa ilegal na droga upang makamtan ang matiwasay at ligtas na pamayanan.
Source: NPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos