Binunot at sinunog ng mga operatiba ng Benguet PNP ang tinatayang Php1,000,000 halaga ng marijuana sa isang plantasyon sa Tacadang, Kibungan, Benguet noong Disyembre 23, 2024.
Ayon kay Police Colonel Joseph Bayongasan, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, pinangunahan ng mga operatiba ng Kibungan Municipal Police Station ang operasyon, katuwang ang mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit, Benguet PPO, Regional Intelligence Division, Police Regional Office-Cordillera Administrative Region (CAR), at Philippine Drug Enforcement Agency-CAR.
Natuklasan ang plantasyon ng marijuana na may lawak na 1,000 metro kuwadrado, na may nakatanim na mahigit kumulang 5,000 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants na may tinatayang Standard Drug Price na Php1,000,000.
Bagamat walang naarestong cultivator, ang mga nasamsam na halaman ng marijuana ay agad na sinunog sa mismong lugar.
Patuloy naman ang panawagan ng Benguet PNP sa publiko na itigil ang pagtatanim, pagdadala, at paggamit ng mga iligal na droga, lalo na ang marijuana, dahil mahigpit na ipinagbabawal ito sa ilalim ng Republic Act 9165 at may karampatang parusa.