Bilang pagpapaigting ng kapulisan ng Cordillera sa kampanya kontra ilegal na droga, binunot at sinunog ng Kalinga PNP ang tinatayang Php1 milyong halaga ng Fully Grown Marijuana Plants na nadiskubre sa isang communal forest sa Tinglayan, Kalinga nito lamang ika-30 ng Nobyembre 2024.
Matagumpay ang nasabing marijuana eradication dahil sa pagtutulungan ng mga operatiba sa pangunguna ng Tinglayan Municipal Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit, RMFB15, 1503rd MC, Benguet Police Provincial Office Regional Intelligence Division, at Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera Administrative Region.
Nagresulta ang operasyon sa pagkadiskubre ng 5000 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants sa isang communal forest na may tinatayang lawak na 500 square meters.
Bagamat walang nahuling cultivator, binunot at sinunog ng mga operatiba ang pinagbabawal na tanim sa mismong lugar.
Ang matagumpay na operasyon ay patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ay kaisa sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga bilang pagsuporta sa adhikain ng kasalukuyang administrasyon tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Charlyn Rose Gumangan