Sta. Cruz, Laguna – Tinatayang nasa Php197,200 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Sta. Cruz PNP nito lamang Lunes, Hunyo 20, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Cecilio Ison Jr, Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office, ang suspek na si Eric Delos Santos, 41, walang trabaho, residente ng Barangay Sto. Angel Sur, Sta. Cruz, Laguna at kabilang sa Street Level Individual list ng drug personalities.
Ayon kay PCol Ison, bandang 9:00 ng hapon naaresto si Delos Santos sa Sitio 6, Brgy. Sto. Angel Sur, Santa Cruz, Laguna ng mga operatiba ng Santa Cruz Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Paterno Domondon Jr, Chief of Police.
Ayon pa kay PCol Ison, nakumpiska mula sa suspek ang siyam na piraso ng plastic sachets na may tinatayang timbang na 29 na gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php197,200, isang pouch, at isang pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“I commend Santa Cruz MPS for this operation and we will continue to intensify our anti-illegal drug operations to control the proliferation of dangerous drugs in our area of responsibility”, ani PBGen Yarra, Regional Director ng CALABARZON.
Ang tagumpay ng PNP laban sa ilegal na droga at iba pang krimen ay bunga ng pinaigting at aktibong pakikipagtulungan ng mamamayan tungo sa maayos at ligtas na komunidad.
Source: Laguna Police Provincial Office
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon