Wednesday, April 30, 2025

Php196K halaga ng ilegal na droga nasabat ng Caloocan Pulis; lalaki arestado

Caloocan City — Umabot sa Php196,000 na halaga ng ilegal na droga ang nasabat sa lalaking suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Caloocan City Police Station nito lamang Linggo, Enero 7, 2023.

Kinilala ni PBGen Rizalito Gapas, District Director ng Northern Police District, ang suspek na si alyas “Noel”, 34 anyos, lalaki, binata, walang trabaho, at naninirahan sa Barangay 176 Bagong Silang, Caloocan City.

Ayon kay PBGen Gapas, naganap ang operasyon matapos magsumbong ang isang concerned citizen tungkol sa ilegal na aktibidad na agad namang inaksyonan ng kapulisan at nadakip ang suspek bandang 11:55 ng gabi sa kahabaan ng Phase 4, Package 3, Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan City.

Nakumpiska sa suspek ang isang (1) piraso ng resealable transparent plastic bag na naglalaman ng mga tuyong dahon at fruiting top na pinaniniwalaang marijuana na may tinatayang kabuuang timbang na 500 gramo na may Standard Drug Price (SDP) na Php60,000; apat (4) na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na may timbang na 20 gramo at may halaga na Php136,000; sampung (10) piraso ng Php100; isang (1) piraso ng digital weighing scale na kulay itim; at isang (1) piraso ng sling bag na kulay itim at pula.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy ang kapulisan ng Northern Metro sa pagpapatupad ng mga batas na nauugnay sa ilegal na droga at anumang uri ng kriminalidad upang masugpo ang talamak na bentahan nito at magkaroon ng mapayapang pamayanan.

Source: NPD PIO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,550SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles