Taguig City — Tinatayang nasa Php193,120 halaga ng shabu ang nakumpiska sa magkahiwalay na buy-bust operation ng Taguig City Police Station nito lamang Sabado, ika-23 ng Abril 2022.
Ayon kay Police Brigadier General Jimili Macaraeg, District Director ng Southern Police District, bandang ala-1:00 ng madaling araw naaresto ang dalawang suspek sa Cuasay St., Brgy. North Signal, Taguig City ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City PS.
Kinilala ni PBGen Macaraeg ang mga suspek na sina Chona Mendones y Recierdo alyas “Madam”, 54, at Kyla Mendones y Recierdo, 19, pawang mga residente ng Taguig City.
Narekober sa kanila ang siyam na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng mga hinihinalang shabu na humigit-kumulang walong gramo at may Standard Drug Price na Php54,400, dalawang pirasong Php100 na ginamit bilang buy-bust money, at isang pulang coin purse.
Ayon pa kay PBGen Macaraeg, sa Taguig pa din, bandang 6:45 ng umaga nahuli naman sa kahabaan ng Capistrano Extension, Brgy. Hagonoy, Taguig City si Omar Singkag y Adam alyas “Marco”, construction worker, 33, at residente ng Taguig City.
Nakumpiska mula kay Singkag ang apat na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 20.4 gramo na may Standard Drug Price na Php138,720, dalawang pirasong Php100 na ginamit bilang buy-bust money at isang Marlboro lights cigarette box.
“Gusto kong batiin ang ating mga masisipag na operatiba ng mga station sa inyong dedikasyon sa trabaho at tuloy-tuloy na paghuli sa mga drug suspects na ito, ipagpatuloy lang natin ang ating trabaho para sa tahimik na pamayanan ng ating mga kababayan,” ani PBGen Macaraeg.
Source: SPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos