Nasabat ng mga awtoridad ang tinatayang Php188,224 halaga ng hinihinalang shabu mula sa dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Sasa Police Station, TSC-RMFB 11, at CIU sa Block 3, Lot 23, Del Pilar Extension, Barangay San Antonio, Davao City noong Enero 31, 2025.
Kinilala ni Police Major Marcille M. Manzano, Acting Station Commander ng Sasa Police Station, ang mga suspek na sina alyas “Koy,” 28 taong gulang, isang Top 2 City High Value Individual, at alyas “Nica,” 26 taong gulang, parehong mga residente ng nasabing lugar.
Nakuha mula sa mga suspek ang 27.68 gramo ng shabu, iba pang non-drug evidence at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy na pinapalakas ng Police Regional Office 11 ang mga operasyon laban sa iligal na droga bilang bahagi ng kanilang kampanya upang labanan ang mga banta sa kalusugan at seguridad ng komunidad.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino