Taguig City — Pitong drug personality na tinaguriang Street Level Individuals (SLIs-user/pusher) ang nahuli sa dalawang magkahiwalay na operasyon na isinagawa ng Southern Police District sa Pasay at Taguig City na nagresulta sa pagkakakumpiska ng Php187,000 halaga ng shabu nito lamang Lunes, Setyembre 12, 2022.
Ayon kay Police Colonel Kirby John B Kraft, Acting District Director ng SPD, sa Pasay City, naaresto ang mga suspek sa Brgy. 183, Zone 20, Villamor, Pasay City bandang 8:45 ng gabi ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit, Pasay CPS.
Kinilala ang mga suspek na sina Arman Tagle y Lim alyas “Boy”, 44; Hedelleño Tomas y Florita alyas “Noy”, 23; at Joselito Sancon y Monfero alyas “Jojo”, 49, Nakumpiska sa mga suspek ang limang heat-sealed plastic transparent sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 7.50 gramo na may estimated Standard Drug Price na Php51,000, isang Php1,000 na buy-bust money, dalawang Php1,000 na boodle money, dalawang improvised shotgun (sumpak) at dalawang pirasong live 12-gauge na bala.
Ayon pa kay PCol Kraft, sa Taguig City naman, bandang 9:00 ng gabi naaresto ang mga suspek sa Cagayan De Oro St. Brgy. Maharlika Village, Taguig City ng mga operatiba ng DDEU-SPD at DMFB.
Ang mga nahuling suspek ay sina Manan Mokamad Guiapal alyas “Ethan”, 41, fish vendor; Rashid Usop Omar, 35, driver; Jessie Avila Lonasco, 44, construction worker; at Christan Grospe Ayad, 18, online seller.
Nakumpiska naman sa apat ang limang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 20 gramo ang bigat na nagkakahalaga ng Php136,000, at isang Php500 na ginamit bilang buy-bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Ang patuloy na pag-aresto sa mga sangkot sa droga ay nagpapahiwatig ng pinaigting na pangangalap ng impormasyon at aktibong partisipasyon ng mamamayan tungo sa isang mas ligtas at walang droga na komunidad,” ani PCol Kraft.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos