Malabon City – Umabot sa Php183,600 halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Malabon City Police Station nito lamang Linggo, Setyembre 17, 2023.
Kinilala ni PBGen Rizalito Gapas, District Director ng Northern Police District (NPD), ang mga suspek na sina alyas “Aying”, 31, Pusher/Newly Identified, lalaki, single, jobless at naninirahan sa Kagandahan St., Gagalangin, Tondo, Manila; at alyas “Xerox”, 30, User/Newly Identified, babae, walang trabaho at residente ng Magtanggol Street, Brgy. 129, Maypajo, Caloocan City.
Ayon kay PBGen Gapas, pinangunahan ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ang nasabing operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek dakong ala-1:20 ng madaling araw sa C4 Road, Brgy. Tañong, Malabon City.
Nakumpiska sa mga suspek ang anim na piraso ng heat-sealed plastic transparent sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng Php183,600; isang (1) piraso ng tunay na Php500 na ginamit bilang buy-bust money; at isang (1) blue coin pouch.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang pagsasagawa ng operasyon ng mga kapulisan ng Southern Metro upang maiwasan ang anumang uri ng kriminalidad sa mga lansangan na kanilang nasasakupan.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos