Nasabat ang tinatayang Php183,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa dalawang drug personality matapos magsagawa ng buy-bust operation ng mga operatiba ng Sasa Police Station sa Purok 18, Sunflower Street, Barangay Mintal, Davao City nito lamang Nobyembre 7, 2024.
Kinilala ni Police Major Marcille M Manzano, Acting Station Commander ng Sasa Police Station, ang mga suspek na sina alyas “Boss”, 49 anyos na tinaguriang Top 2 City Level Drug Personality at alyas “Phillip”, 41 anyos na pawang mga residente ng nasabing lungsod.
Ang mga suspek ay naaresto sa pinagsanib na puwersa ng nasabing istasyon katuwang ang TSC RMFB 11 at 2nd CMFC.
Narekober naman mula sa mga suspek ang humigit kumulang 27.12 na gramo ng hinihinalang shabu at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Alinsunod sa kampanya ng Bagong Pilipinas, patuloy na nagsisikap ang mga tauhan ng Police Regional Office 11 sa pagpapatupad ng mas pinaigting na laban kontra ilegal na droga at kriminalidad.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino