Tuesday, December 24, 2024

Php183K halaga ng droga, nasabat sa buy-bust ng North Cotabato PNP

Nasabat ang tinatayang Php183,000 halaga ng shabu sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Poblacion A, Mlang, North Cotabato nito lamang Oktubre 30, 2024.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Efren T Salazar Jr, Hepe ng MLang Municipal Police Station, ang nahuling suspek na si alyas “Ric”, 46 anyos, Habal-habal Driver at residente ng Midsayap, North Cotabato.

Ayon kay PLtCol Salazar, matagumpay na nailatag ang naturang operasyon laban kay “Ric” sa tulong ng mga operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit 12 at Regional Special Operations Group 12.

Nabentahan ng suspek ang isang poseur buyer ng isang pakete ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng Php6,800 na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang dalawa pang pakete na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may kabuuang bigat na 26 gramo na may tinatayang halaga na Php176,800, buy bust money, at motorsiklo.

Sa kabuuan, aabot sa Php183,600 halaga ng droga ang nasabat mula sa nahuling indibidwal at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Ang isinasagawang operasyon ng mga awtoridad ay bunga ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga at kriminalidad sa tulong at suporta na rin ng mga mamamayan para mapanatiling maayos, ligtas, at payapa ang komunidad.

Panulat ni Patrolman Kherwin Jay Medelin

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles