Malabon City — Umabot sa Php182,240 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Malabon City Police Station nito lamang Martes, ika-25 ng Hunyo 2023.
Kinilala ni Northern Police District, Acting Director Police Brigadier General Rizalito Gapas, ang mga suspek na sina alyas “Gibson” (Pusher/Newly Identified), 30, mangingisda at kasalukuyang naninirahan sa Bldg. 7 Room 116, Sampaguita Street, Brgy. Tanza 2, Navotas City; alyas “Vincent”, (User/Newly Identified), 19, jobless at kasalukuyang naninirahan sa Lot 39, Block 12A, Hiwas Street, Brgy. Longos, Malabon City; at alyas “Lovely” (User/Listed), 35, walang trabaho at kasalukuyang naninirahan sa No.35 M. Blas Street, Brgy. Hulong Duhat, Malabon City.
Nakumpiska sa mga suspek ang walong (8) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit kumulang 26.8 gramo at nagkakahalaga ng na Php182,240; isang (1) piraso ng tunay na Php500 na ginamit bilang buy-bust money; at isang (1) piraso ng gray coin purse.
Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng mga suspek.
Nanawagan naman ang kapulisan ng NPD na tigilan na ang paggamit at pagbebenta ng ilegal na droga sa kanilang nasasakupang lugar dahil patuloy sila sa pagtugis sa mga indibidwal na lumalabag sa batas.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos