Nasamsam ang tinatayang Php18,130,000 halaga ng smuggled cigarettes sa isinagawang operasyon ng Maguindanao del Norte PNP sa Sitio Holbot, Barangay Sarmiento, Parang, Maguindanao del Norte nito lamang ika-21 ng Setyembre 2024.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Erwin G Tabora, Hepe ng Parang Municipal Police Station, bandang 10:50 ng umaga ng makatanggap ng impormasyon ang naturang istayon tungkol umano sa dalawang sasakyang lulan ang mga hinihinalang mga smuggled na sigarilyo na agad namang tumugon ang mga otoridad ng Parang MPS katuwang ang 32nd Coy Marine Battalion Landing 2, 1st Brigade; Provincial Investigation Unit, MDN; 3rd Maneuver Platoon; Regional Investigation Unit 15; NICA 17; PDEA; RIAT/Regional Drug Enforcement Unit/CTU at RMFB 14 A na nagresulta sa pagkakakumpiska ng kahon-kahong puslit na sigarilyo.
Nakuha mula sa naturang operasyon ang 490 boxes ng iba’t ibang brand ng sigarilyo na nagkakahalagang Php18,130,000.
Patuloy ang malalim na imbestigasyon ng Maguindanao del Norte PNP para mahuli at mapanagot ang nasa likod ng puslit na sigarilyo.