Monday, November 25, 2024

Php17M halaga ng Cocaine narekober sa baybaying dagat ng Cagayan

Ballesteros, Cagayan – Narekober ng kapulisan ang mahigit tatlong (3) kilo ng Cocaine na nagkakahalaga ng Php17 milyon na palutang-lutang sa baybayin na nasasakupan ng Abulug at Ballesteros, Cagayan noong Lunes, Marso 21, 2022.

Ayon kay Police Colonel Ricardo Villanueva, Chief, Regional Maritime Unit 2, namataan nina Raymart Leste at Willard Labbao, mga mangingisdang residente ng Barangay Sanja sa bayan ng Aparri ang tatlong bloke na naglalaman ng ilegal na droga na selyado ng plastic, packing tape, at itim na goma na nakalutang limang kilometro mula sa pampang.

Dagdag pa ni PCol Villanueva, inilapit ng mga mangingisda ang insidente kay Barangay Chairperson Erwin Lobas na siyang nagbigay alam sa mga otoridad.

Pinuri naman ni PCol Villanueva ang agarang pagresponde ng mga kapulisan mula sa Regional Maritime Unit 2, Aparri Police Station, Regional Intelligence Division 2, Regional Intelligence Unit 2, 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company, Philippine Drug Enforcement Agency 2, Regional Drug Enforcement Unit 2, at 17th Infantry Division ng Philippine Army.

Samantala, tiniyak ni PCol Villanueva na patuloy na iimbestigahan ng hanay ang pinanggalingan ng nasabing ilegal na droga.

Pinasalamatan naman ng mga kapulisan ang pagbibigay impormasyon ng mga residente sa lugar. Hinikayat din nila ang mga ito na patuloy na makipagtulungan upang matigil na ang problema sa ilegal na droga sa lalawigan.

Source: Regional Maritime Unit 2

###

Panulat ni Police Staff Sergeant Mary Joy Reyes

1 COMMENT

Comments are closed.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles