Bataan – Nasamsam ang tinatayang Php177,000 halaga ng shabu sa isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Limay PNP sa Brgy. Reformista, Limay, Bataan bandang 6:10 ng umaga nito lamang ika -3 ng Pebrero 2024.
Kinilala ni Police Major Dennis Duran, Chief of Police ng Limay Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Luga”, 41, residente ng Chico St. Brgy. Landing, Limay, Bataan.
Nasamsam ang dalawang piraso ng medium heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 26.15 gramo na nagkakahalaga ng Php177,820 at isang pirasong Php1,000 bill bilang buy-bust money.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.
Patuloy pa rin ang pagpapaigting ng Limay PNP sa kanilang kampanya laban sa ilegal na droga para sa mas ligtas at payapa ang pamayanan na kanilang nasasakupan.
Panulat ni Pat Jilly A Peña