Arestado ng mga tauhan ng Caloocan City Police Station sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation ang dalawang lalaking suspek at nakumpiska ang malaking halaga ng shabu nito lamang Biyernes, Disyembre 27, 2024 dakong 4:37 ng madaling araw sa tabi ng Alfa Mart Convenience Store, Kaagapay Road, Barangay 188, Caloocan City.
Ayon kay Police Colonel Josefino D Ligan, Officer-In-Charge ng Northern Police District (NPD), isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan CPS.
Nakuha mula sa suspek ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na may kabuuang 26 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php176,800 at buy-bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa ilalim ng Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165, o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”
“Kami ay patuloy na maging mapagbantay sa pagprotekta sa aming mga komunidad mula sa banta na ito,” ani PCol Ligan.
Source: NPD PIO