Tinatayang aabot sa Php176,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa isinagawang buy-bust operation ng Bajada PNP sa Cabaguio Avenue, Barangay Wilfredo Aquino, Davao City nito lamang ika-5 ng Abril 2025.
Kinilala ni Police Major Antonio Y Luy, Station Commander ng Bajada Police Station, ang mga suspek na sina alyas “Jay-jay”, 41, alyas “Herbert”, 36, construction worker at alyas “Kim”, 37 taong gulang.
Narekober mula sa mga suspek ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 11 gramo at may Standard Drug Price na php176,000 at buy-bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, ang laban kontra ilegal na droga ay patuloy na pinapaigting ng Police Regional Office 11 sa pamumuno ni Regional Director Police Brigadier General Alden B Delvo alinsunod sa kampanya ng Bagong Pilipinas na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino