Davao del Norte – Tinatayang Php171,224 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa buy-bust operation ng mga tauhan ng PNP at PDEA, nito lamang Sabado Hunyo 18, 2022.
Kinilala ni PLtCol Jay Dema-Ala, Station Commander ng Tagum City Police Station, ang suspek na si Randy Villanueva Arsolon, 41, residente ng Prk 4-B Gemini Vill., Brgy Apokon, Tagum City, Davao del Norte.
Ayon kay PLtCol Dema-Ala, naaresto ang suspek sa Prk 4-A, Barangay Apokon, Tagum City, Davao del Norte ng Tagum CPS katuwang ang Regional Mobile Force Battalion 11 at Philippine Drug Enforment Agencies XI – Davao del Norte.
Dagdag pa ni PLtCol Dema-Ala, nakuha mula sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 25.18 gramo na may street market value na Php171,224, kasama ang isang motorsiklo at marked money na ginamit sa operasyon.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy na nagsasagawa ang Police Regional Office 11 ng joint operation kontra ilegal na droga sa rehiyon upang tuluyan ng maging drug-free ang lungsod sa pamumuno ni PBGen Benjamin Silo Jr., PRO11 Regional Director.
###
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara