Nasamsam ang tinatayang Php170,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation na isinagawa sa Zone 5 B, NHA, Kauswagan, Cagayan de Oro City nito lamang Marso 19, 2025.
Kinilala ni Police Colonel Salvador N Radam, City Director ng Cagayan de Oro City Police Office, ang dalawang suspek na lalaki at kasalukuyang naninirahan sa naturang lugar.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga operatiba ng Cagayan de Oro Police Station 1 Drug Enforcement Team (SDET) katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nakumpiska mula sa mga suspek ang kabuuang 25 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php170,000, drug paraphernalia at isang Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Hindi titigil ang Cagayan de Oro City PNP sa pagsugpo sa iligal na droga para sa kaligtasan ng nasasakupang komunidad.