Valenzuela City – Tinatayang nasa Php170,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa isang lalaki matapos magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Valenzuela City Police Station nito lamang Sabado, ika-24 ng Hunyo 2023.
Kinilala ni PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr., District Director ng NPD, ang suspek na si alyas “Jamil”, 25, binata, walang trabaho, high school graduate, at residente ng no. 70 Faustino St. Punturin, Valenzuela City.
Naaresto si alyas “Jamil” sa operasyon ng Station Drug Enforcement Unit ng naturang istasyon bandang 1:30 ng madaling araw sa kahabaan ng T Santiago Rd, Brgy. Veinte Reales, Valenzuela City.
Nasamsam sa suspek ang limang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, iba’t ibang halaga ng pera na ginamit sa operasyon, isang unit Oppo cellphone at isang unit na Honda Beat na motorsiklo na kulay itim at may plate no. 7640TP.
Paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa naarestong suspek.
“Pinupuri ni PMGen Edgar Alan O Okubo, Regional Director ng NCRPO, ang Valenzuela City Police Station para sa walang patid na dedikasyon upang labanan ang ilegal na droga at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Northern Metro.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos