Davao City – Tinatayang Php170,000 na halaga ng shabu ang nasabat sa tatlong suspek sa isinagawang PNP buy-bust operation ng Sta. Ana Police Station 1 sa Davao City, nito lamang Linggo, Abril 3, 2022.
Kinilala ni PMaj Jake Goles, Station Commander ng Sta Ana PS 1 ang mga suspek na si Edlino Añana Estillore alyas “Lino” 38, tinaguriang Top 6 High Value Individual Regional Level at sina Tommy Roma Martinez, 41, at Anith Pandong Abellameda, 46, mga residente ng Purok San Antonio, Brgy. Agdao Proper, Davao City.
Ayon kay PMaj Goles, naaresto ang mga suspek sa 21-A, R. Castillo St., Brgy. Agdao Proper matapos magpanggap na poseur-buyer ang isa sa mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng PS1 Sta Ana, Davao City Police Office.
Dagdag pa ni PMaj Goles, nakuha mula sa mga suspek ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 10 gramo at may street market value na Php170,000 at marked money na ginamit sa nasabing operasyon kasama ang isang .38 caliber pistol na may tatlong live ammunition.
Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ang pagkakadakip sa mga suspek ay isa lamang sa pagsisikap ng Police Regional Office 11 sa pamumuno ni PBGen Benjamin Silo Jr., PRO11 Regional Director upang tuluyang mahinto ang ilegal na droga sa rehiyon.
###
Panulat ni Patrolman Alfred D Vergara
Husay talaga ng mga kapulisan