Nasabat ang tinatayang Php170,000 halaga ng shabu sa dalawang drug suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng ParaƱaque City Police Station nito lamang Linggo, Setyembre 8, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Leon Victor Z Rosete, District Director ng Southern Police District, ang mga suspek na sina alyas “Dave”, 32 anyos, at alyas “Nelson”, 25 taong gulang.
Ayon kay PBGen Rosete, nadakip ang mga suspek sa Pelaez Street, Barangay San Dionisio, ParaƱaque City bandang 2:40 ng umaga sa pangunguna ng ParaƱaque Station Drug Enforcement Unit (SDEU).
Narekober sa operasyon ang anim na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na 25 gramo ang bigat na may estimated Standard Drug Price na Php170,000, dalawang pirasong Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money, isang cellular phone at isang coin purse.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o āComprehensive Dangerous Drugs Act of 2002ā.
Mas lalo pang palalakasin ng SPD ang kanilang pagsasagawa ng mga operasyon laban sa ilegal na droga upang magampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin na panatilihing ligtas at maayos ang kanilang mga nasasakupan.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos