Kalaboso ang dalawang lalaki ng mga tauhan ng ParaƱaque City Police Station matapos ikasa ang buy-bust operation at nakumpiska ang tinatayang Php170,000 na halaga ng shabu dakong 4:30 ng hapon sa Barangay San Dionisio, ParaƱaque City nito lamang Sabado, Hulyo 27, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Leon Victor Z Rosete, District Director ng Southern Police District, ang mga suspek na sina alyas āAngelā, 23, at alyas āRojanā, 22.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakasabat ng anim na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 25 gramo ang bigat at may Standard Drug Price na Php170,000, buy-bust money at isang asul na coin purse.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II, ng Republic Act 9165, o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa pagsupil sa mga sindikato ng droga upang mapabuti ang kaayusan at kaligtasan ng bawat mamamayang Pilipino.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos