South Cotabato – Arestado ang isang drug suspek matapos ang ikinasang buy-bust operation ng South Cotabato PNP sa kahabaan ng Tupi National High School sa Purok 11B, Brgy. Poblacion, Tupi, South Cotabato nito lamang ika-22 ng Abril 2023.
Kinilala ni Police Major Paulino Asirit Jr., Chief, Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) 12, ang nahuli sa entrapment operation na si alyas “Toto”, 44, may asawa, tricycle driver at residente ng Barangay Poblacion, Banga, South Cotabato.
Ayon kay PMaj Asirit Jr., bandang 4:00 ng hapon nang mahuli ang suspek sa pinagsanib pwersa ng RPDEU12 (lead unit), Regional Intelligence Division 12, Regional Intelligence Unit 12, Regional Special Operations Group 12, PDEG-SOU12, PDEU – SCPPO, Tupi MPS, South Cotabato Provincial Police Office at sa pakikipag-ugnayan sa PDEA 12.
Narekober mula sa naturang operasyon ang limang plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 25 gramo at may tinatayang halaga na Php170,000, buy-bust money, at iba pang non-drug item.
Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampang reklamo laban sa nahuling suspek.
Tiniyak naman ni PMaj Asirit Jr., na patuloy ang kanilang hanay sa pagsusulong ng mga hakbangin upang tuluyang masugpo ang ilegal na droga at kriminalidad tungo sa pagkamit ng isang ligtas at maayos na komunidad.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay Medelin/RPCADU12