ParaƱaque City ā Tinatayang Php170,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa apat na suspek sa isinagawang buy-bust operation ng ParaƱaque PNP nito lamang Lunes, Abril 18, 2022.
Kinilala ni Southern Police District Director, Police Brigadier General Jimili Macaraeg ang mga suspek na sina Sunsodin Abuin Nulotan alyas āKiramā, 33, lalaki; Alvin Sakatani Dalamban, 25; Rohanin Ungad Kali, 22, lalaki; at Fatima Almira Delos Santos Abdulmari, 26, babae, pawang mga residente ng ParaƱaque City.
Ayon kay PBGen Macaraeg, dakong 5:20 ng hapon naaresto ang apat na suspek sa Vietnam, Ninoy Aquino Ave., Brgy. San Dionisio, ParaƱaque City ng mga operatiba ng SDEU ParaƱaque at Police Sub-Station 4 ng ParaƱaque CPS.
Narekober mula sa kanila ang isang small size heat-sealed transparent plastic sachet at 16 heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na higit-kumulang 25 gramo na may Standard Drug Price na Php170,000, isang maliit na blue pouch, Php1,000 na ginamit bilang buy-bust money, at tatlong piraso ng Php500.
āMatapos ang Mahal na araw ay tuloy tuloy ang ating mga hakbang upang mapanatili ang kapayapaan dito sa ating nasasakupan, tuloy tuloy ang ating operasyon upang siguruhin na hindi tayo masasalisihan ng mga taong nasa likod ng pagtutulak ng ilegal na droga, ang Southern Police District kasama ang ParaƱaque City PNP ay patuloy na magbabantay upang siguruhin na ang ating nasasakupan ay ligtas sa anumang masamang dulot at banta ng ilegal na droga,ā dagdag pa ni PBGen Macaraeg.
Source: SPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos
šš»