Caloocan City — Tinatayang Php170,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang babae sa isinagawang buy-bust operation ng Northern Police District nito lamang Lunes, Enero 30, 2023.
Kinilala ni PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr., District Director ng NPD ang suspek sa pangalang Jamelah, 36, at residente ng Phase 12, Barangay 188, Caloocan City.
Ayon kay PBGen Peñones Jr, dakong 10:15 ng gabi nang maaresto ang suspek sa kahabaan ng Domato Ave. Phase 12, Barangay 188, Lungsod ng Caloocan ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangangasiwa ni Police Major Dennis Odtuhan, Asst. Chief, DDEU kasama ang mga tauhan ng SDEU ng Caloocan CPS at PDEA.
Narekober sa suspek ang isang medium sized at isang large sized heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang genuine na Php500; at walong Php1,000 boodle money na ginamit bilang buy-bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang pagiging masigasig ng Northern Police District sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin upang masupil ang mga indibiwal na patuloy na gumagamit ng ilegal na droga ay bunga ng pinalakas na suporta ng mamamayan para sa ligtas, tahimik at maunlad na komunidad.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos