Antipolo City – Tinatayang mahigit isang daang pitumpu’t libong pisong halaga ng shabu at armas ang nakumpiska sa buy-bust operation ng pulisya ng Antipolo City noong Biyernes, Marso 4, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel June Paolo Abrazado, Officer-in-Charge ng Antipolo City Police Station ang suspek na si Ricardo Villanueva y Vargas, alyas “Carding”, 40, may kinakasama, pintor, residente ng Purok 5 Zone 8, Brgy. Cupang, Antipolo City, Rizal.
Ayon kay Police Colonel Abrazado, bandang 2:30 ng umaga naaresto ang suspek sa kanyang bahay sa nasabing barangay sa pinagsanib puwersa ng Antipolo City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency.
Ayon pa kay Police Colonel Abrazado, nakumpiska mula sa suspek ang siyam na pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalaang shabu na may bigat na humigit kumulang 25 gramo na may tinatayang halaga na Php170,000.
Dagdag pa ni Police Colonel Abrazado, nakuha pa mula sa suspek ang isang Php500 bilang buy-bust money, isang kalibre .45 ARMSCOR na may serial number na 1351231, limang .45 live ammunition at isang magazine ng kalibre .45.
Ang pulisya ng Antipolo City ay lalo pang paigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga upang maaresto ang lumalabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) at RA 10591 o Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act at Omnibus Election Code.
Source: Antipolo City Police Station
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Elvis C Arellano