Kalinga – Tinatayang nasa Php17.8 milyon halaga ng marijuana ang binunot at sinunog ng mga awtoridad sa kanilang isinagawang tatlong araw na marijuana eradication operation sa Brgy. Tulgao West, Tinglayan, Kalinga nito lamang Pebrero 18-20, 2023.
Ayon kay Police Brigadier General Mafelino Bazar, Regional Director ng Police Regional Office Cordillera, nadiskubre ang mahigit kumulang 89,400 Fully Grown Marijuana Plants na may tinatayang Standard Drug Price na Php17,800,000 na may kabuuang sukat na 6,800 square meters.
Ang operasyon ay bahagi ng Oplan Marites 2 at naging matagumpay ang operasyon dahil sa pinagsanib na operatiba ng Regional at Provincial Drug Enforcement Unit, Regional Intelligence Unit, 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company, Tinglayan Municipal Police Station, Tanudan Municipal Police Station, Lubuagan Municipal Police Station at ng Philippine Drug Enforcement Agency-Kalinga.
Samantala, agad namang binunot at sinunog ang naturang marijuana sa lugar ng taniman at walang naitalang cultivator.
Patuloy naman ang pagpapaigting ng Kalinga PNP sa pakikipag-ugnayan sa komunidad upang mahuli at mapanagot sa batas ang mga nagtatanim ng marijuana sa kanilang nasasakupan.