Nasamsam ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela City Police Station ang tinatayang Php163,200 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa isang lalaking suspek nito lamang Sabado, Pebrero 15, 2025 sa kahabaan ng Karuhatan Public Cemetery sa Barangay Karuhatan, Valenzuela City.
Kinilala ni Police Colonel Josefino Ligan, Acting District Director ng NPD, ang suspek na si alyas “Tata”, isang 40-anyos na taga-Valenzuela.
Sa operasyon, nakumpiska ng mga awtoridad ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na ang isa ay nasa pinagbebentahan at ang isa ay nasa hawak ng suspek, buy-bust money, kabilang ang isang genuine na Php500 bill, pitong piraso ng Php1,000 na boodle money, dalawang Php50 at isang brown coin purse.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Sections 5 (Sale of Dangerous Drugs) at 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng Article II, Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang nadakip na suspek.
“Ang makabuluhang operasyon na ito ay nagpapadala ng isang malakas na mensahe sa mga personalidad ng droga na determinado kaming pigilan ang pagkalat ng mga ilegal na sangkap sa aming mga komunidad,” saad ni PCol Ligan.
Source: NPD PIO
Panulat ni PMSg Gargantos, RM