Tinatayang Php162,500 ng ilegal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad sa dalawang drug dealer sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Caypombo, Santa Maria, Bulacan nito lamang Agosto 16, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Voltaire C Rivera, Hepe ng Sta Maria Municipal Police Station, ang mga naarestong suspek na sina alyas “Batak” at alyas “Maricar”, pawang residente ng naturang lugar.
Nasabat sa mga suspek ang hinihinalang shabu na may timbang na 25 gramo at may Standard Drug Price na Php162,500.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang Bulacan PNP sa pagpapalakas ng kampanya laban sa ilegal na droga upang tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan sa kanilang nasasakupan para sa mapayapang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Mildred A Tawagon