Davao City – Tinatayang Php160,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Mandug Police Station at PDEA XI na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang High Value Individual sa Purok 2, Brgy. Communal, Davao City, noong Agosto 3, 2022.
Kinilala ni PMaj Jose Rodrigo Mendoza, Acting Station Commander ng nasabing istasyon, ang suspek na si Wendell Denso Subaan alyas “Brad”, 37, residente ng Golden Hills Village, Panacan, Davao City na tinaguriang Top 7 High Value Individual sa Regional Level.
Ayon kay PMaj Mendoza, naaresto ang suspek sa isang buy-bust operation ng pinagsamang tauhan ng Mandug PS at PDEA XI matapos mahuli sa akto ng pagbebenta ng hinihinalang shabu sa nagpanggap na poseur-buyer.
Dagdag pa ni PMaj Mendoza, nakuha mula sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 10 gramo na may street market value na Php160,000 at marked money na ginamit sa operasyon at isang unit .38 Caliber kasama ang limang pirasong live ammunition.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Samantala, ipagpapatuloy ng Police Regional Office 11 ang kanilang mga operasyon laban sa ilegal na droga upang makamit nila ang kanilang layunin na gawing drug-free ang Rehiyong Onse sa pamumuno ni PBGen Benjamin Silo Jr., PRO11 Regional Director.
###
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara