Tinatayang Php160,000 halaga ng marijuana plants ang nadiskubre ng mga operatiba ng Benguet PNP sa isinagawang marijuana eradication sa Sitio Bangao, Kayapa, Bakun, Benguet noong ika-30 ng Agosto 2024.
Ayon kay Police Colonel Joseph P Bayongasan, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon sa pagsisikap ng pinagsanib na pwersa ng mga pulisya sa pangunguna ng Bakun MPS, Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit, Benguet Police Provincial Office, Regional Intelligence Division 14 at Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkadiskubre ng isang plantasyon ng marijuana na may lawak na 200 square meters at may nakatanim na tinatayang 800 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants na nagkakahalaga ng Php160,000 Standard Drug Price.
Bagamat walang nahuling cultivator, lahat ng nadiskubreng marijuana ay naidokumento at sinunog sa mismong lugar.
Pinuri naman ni PCol Bayongasan ang mga operatiba sa kanilang matagumpay na operasyon at sinisiguro naman na lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang kampanya kontra sa ilegal na droga, gayundin upang matuldukan ang paglaganap ng pinagbabawal na gamot sa kanilang nasasakupan.
Panulat ni Patrolwoman Melba Langbis