Tinglayan, Kalinga – Tinatayang nasa Php15,000,000 halaga ng halamang marijuana ang sinira at sinunog ng mga operatiba sa isinagawang Marijuana Eradication “Oplan Marites” sa Barangay Bugnay, Tinglayan, Kalinga nito lamang Biyernes, ika-11 ng Marso, 2022.
Ayon kay Police Brigadier General Ronald Lee, Regional Director, Police Regional Office Cordillera, matagumpay na naisagawa ang eradikasyon ng plantasyon ng Marijuana sa pinagsamang puwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit, 1st and 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company, Tinglayan Municipal Police Station, 1503rd at 1505th Regional Mobile Force Battalion, 141 Special Action Company PNP-Special Action Force at Lubuagan Municipal Police Station.
Ayon pa kay Police Brigadier General Lee, nadiskubre ang walong marijuana plantation site na may kabuuang sukat na 7,150 square meters sa isinagawang Marijuana Eradication sa nasabing barangay.
Dagdag pa ni Police Brigadier General Lee, mahigit kumulang 75,000 piraso ng fully grown marijuana na may tinatayang halaga sa Standard Drug Price na Php15,000,000 ang nadiskubreng mga pinagbabawal na halaman.
Samantala, agad namang binunot at sinunog ng mga awtoridad ang mga nadiskubreng mga marijuana sa mismong lugar ng taniman.
Walang naitalang nahuling marijuana cultivator sa isinagawang operasyon.
“Patuloy ang pagpapaigting ng Marijuana eradication ng mga kapulisan ng Cordillera upang mapuksa ang mga ipinagbabawal na mga halaman at matukoy ang mga nasa likod ng pagtatanim nito”, ani Police Brigadier General Lee.
###
Panulat ni Patrolwoman Febelyn Codiam
Dapat talaga ganyan kc yan ang mga sumisira s kinabukasan ng mga kabataan