Nasabat ang mahigit Php157,000 halaga ng smuggled cigarettes sa isinagawang Checkpoint operation ng mga awtoridad sa Purok 1, Barangay Poblacion, Tupi, South Cotabato nito lamang ika-4 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Major Rovi L Jardenil, Hepe ng Tupi Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Jul”, 63 anyos, walang trabaho at residente ng Barangay Crossing Rubber, Tupi, South Cotabato.
Naharang ang isang Suzuki van na minamaneho ng suspek at nang inspeksyunin ng mga awtoridad ang sasakyan, natuklasan ang 39 reams ng smuggled na sigarilyo sa likod ng van, at sa karagdagang paghahanap, narekober pa ang 161 reams na nakatago sa isang improvised compartment.
Bigo ang suspek na magpakita ng mga kaukulang dokumento kaya agad itong inaresto at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10863 ang “Modernizing the Customs and Tariff Administration Act” at Republic Act 10643 o ang “Philippine Graphic Health Warning Law”.
Patuloy ang PNP Sa pagsugpo sa anumang uri ng iligal na aktibidad at kriminalidad na hadlang sa pakamit ng isang maayos at maunlad na bansa.
Panulat ni Patrolwoman Vina C Morales