Nasamsam ng Buenavista PNP at PDEA13 ang tinatayang Php156,400 halaga ng shabu mula sa isang High Value Individual (HVI) sa Barangay 10, Buenavista, Agusan del Norte, nito lamang Abril 6, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Kirby John Kraft, Regional Director ng Police Regional Office 13, ang suspek na si alyas “Natoy”, 41 at residente ng Barangay 10, Buenavista, Agusan del Norte.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Search warrant kaugnay sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 kung saan nakuha mula sa kanya ang tinatayang 23 gramo ng hinihinalang shabu at iba pang drug paraphernalia.
Patunay lamang na hindi tumitigil ang PNP CARAGA katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan sa kampanya kontra ilegal na droga upang mabigyan ng maayos, tahimik at ligtas na komunidad ang kanilang nasasakupan tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Karen A Mallillin