Malabon City — Tinatayang nasa Php156,400 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Malabon City PNP nito lang Martes, ika-30 ng Mayo 2023.
Kinilala ni Northern Police District Director, PBGen Ponce Rogelio Peñones, ang suspek na si alyas “Arnel” (Pusher/Newly identified), 44, at kasalukuyang naninirahan sa Blk 39 E lot 2 Phase 3 F1 Dagat-Dagatan, Caloocan City.
Ayon kay PBGen Penoñes, isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Station Drug Enforcement Unit ng Malabon CPS at ng PDEA sa kahabaan ng Lascano Street, Brgy. Tugatog, Malabon City.
Nasamsam kay alyas “Arnel” ang anim na maliliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may kabuuang timbang na 23 gramo at may Standard Drug Price (SDP) na Php156,400; isang Php500 na ginamit bilang buy-bust money; at isang puting mercury drug coin pouch.
Reklamong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng suspek.
Pinuri naman ni PMGen Edgar Alan O Okubo, Regional Director ng NCRPO ang Malabon City Police Station para sa walang patid na dedikasyon upang labanan ang ilegal na droga at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos