Tinatayang Php156,000 halaga ng marijuana ang nadiskubre ng mga operatiba sa isinagawang marijuana eradication sa Sitio Pagubo at Sitio Copia, Gadang, Kapangan, Benguet nito lamang ika-28 ng Disyembre 2024.
Ayon kay Police Colonel Joseph P Bayongasan, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon sa pagsisikap ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba sa pangunguna ng Kibungan Municipal Police Station katuwang ang Provincial Intelligence Unit, Benguet Police Provincial office, Regional Intelligence Division, Police Regional Office-CAR, Philippine Drug Enforcement Agency-CAR.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkadiskubre ng dalawang plantasyon ng marijuana na may kabuuang sukat na 140 square meters na may nakatanim na humigit kumulang 780 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants na nagkakahalaga ng Php156,000 Standard Drug Price.
Bagamat walang nahuling cultivator, lahat ng nadiskubreng marijuana ay naidokumento at sinunog sa mismong lugar.
Pinuri naman ni PCol Bayongasan ang mga operatiba sa kanilang matagumpay na operasyon at patuloy ang pagsuporta sa isinusulong ng Pangulong Ferdinand R Marcos Jr., na Whole-of-Nation Approach na kinakailangan para maging illegal drug free ang ating bansa.
Panulat ni Pat Charlyn Rose Gumangan