Narekober ang tinatayang Php155,000 halaga ng smuggled cigarettes sa ikinasang checkpoint operation ng 4th Platoon ng 2nd Lanao del Norte Provincial Mobile Force Company sa Purok-1, Bansarvil 1, Kapatagan, Lanao del Norte nito lamang Oktubre 15, 2024.
Ayon kay Police Brigadier General Jaysen C De Guzman, Acting Regional Director ng Police Regional Office 10, narekober ang mga smuggled na sigarilyo sa loob ng isang Maroon Toyota Innova na may plate number KAP 2343.
Ang mga sigarilyo ay nasa 194 reams ng New Berlin cigarettes.
Nabatid na ang sasakyang gamit upang ipuslit ang mga naturang sigarilyo ay mula sa Tukuran, Zamboanga del Sur at patungong Magsaysay, Lanao del Norte.
Pinuri ni PBGen De Guzman ang mga kapulisan ng Hilagang Mindanao para sa matagumpay na operasyon. “We will not tolerate any form of illegal trade in our region. We will continuously intensify our operations to ensure that our communities are protected from smuggled goods that threaten not only our economy but also the safety of our people. I commend the efforts of our personnel, and I encourage the public to stay vigilant and report any suspicious activities to the authorities.”