Nasamsam ng mga operatiba ng Las Piñas City Police Station Drug Enforcement Unit ang tinatayang Php152,796 sa pagsilbi ng Search Warrant na humantong sa pagkakaaresto sa suspek sa Barangay Almanza Dos, Las Piñas City nito lamang Martes, Oktubre 29, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Bernard R Yang, District Director ng Southern Police District, ang suspek na si alyas “Gelo,” 38 anyos.
Isinilbi ang Search Warrant No. SWLP-24-070 sa mismong tirahan ng suspek at narekober ng pulisya ang walong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 22.47 gramo, at may tinatayang street value na Php152,796 at isang pitaka.
Sasampahan ang suspek sa kasong paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
“Ang operasyong ito ay binibigyang-diin ang aming hindi natitinag na pangako sa paglaban sa ilegal na droga at pagtiyak sa kaligtasan ng aming mga komunidad. Ang masigasig at pinagsama-samang pagsisikap ng aming puwersa ng pulisya ay mahalaga sa aming patuloy na paglaban sa mga krimen na may kaugnayan sa droga,” saad ni PBGen Yang.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos