Southern Police District — Tinatayang Php150,756 halaga ng shabu ang nasabat sa Taguig at Makati City nito lamang Martes, Enero 17, 2023.
Ayon kay PBGen Kirby John Kraft, District Director ng SPD, sa Taguig City, bandang 1:00 ng tanghali ay nagsagawa ng Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) sa pamamagitan ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Taguig City Police Sub-Station 6 sa kahabaan ng M. Tanyag Ave., Barangay South Signal Village, Taguig City kung saan arestado ang dalawang suspek na pinangalanan ng pulisya na si Ronnel Caña, 36 at Jay-Ar Francisco, 32, construction worker.
Narekober sa kanila ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 7.25 gramo at may Standard Drug Price na Php49,300.
Sa Makati City naman, dakong alas-3:30 ng hapon sa Magnolia St. corner Southsea St. Brgy Rizal, Makati City, ay nahuli ang suspek na si Michael Joseph, 38, telecom installer.
Nakumpiska sa kanya ang isang medium heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 4.92 gramo at nagkakahalaga ng Php33,456.
Sa Makati City pa rin, nahuli ng SDEU ng Makati CPS si alyas “Pepsi”, 23, at alyas “Carlo”, delivery rider, 24, sa Nuestra Señora St., Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City bandang alas-8:50 ng gabi.
Nasamsam sa dalawa ang heat-sealed transparent plastic sachet na umano’y shabu na humigit kumulang 10 gramo ang bigat at may SDP na Php68,000, at buy-bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang pagkakaaresto sa mga suspek ay dulot ng pagsisikap ng mga kapulisan ng Southern Metro sa pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga sa distrito upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng bawat mamamayan.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Garagantos