Tinatayang Php150,000 halaga ng Fully Grown Marijuana Plants ang nadiskubre ng mga operatiba sa isinagawang marijuana eradication sa Camayan, Tacadang, Kibungan, Benguet nito lamang ika-15 ng Hunyo 2024.
Ayon kay Police Colonel Joseph P Bayongasan, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon sa pinagsanib na pwersa ng mga operatiba sa pangunguna ng Kibungan Municipal Police Station, kasama ang Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit Benguet, Regional Intelligence Division, PRO-CAR at Philippine Drug Enforcement Agency-CAR.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkadiskubre ng isang plantasyon ng marijuana na may nakatanim na humigit kumulang 750 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants na nagkakahalaga ng Php150,000.
Bagamat walang nahuling cultivator, lahat ng mga binunot na Fully Grown Marijuana Plants ay kaagad sinunog sa mismong lugar.
Pinuri naman ni PCol Bayongasan ang mga operatiba sa kanilang matagumpay na operasyon at patuloy na paiigtingin ang kanilang kampanya kontra ilegal na droga upang maging drug-free ang kanilang nasasakupan.
Panulat ni Patrolwoman Melanie Amoyong